Lunes, Marso 13, 2017

Pagsulong at Pag-unlad ng bansa: Makakamit sa pagpapabuti ng mga sektor ng Ekonomiya

Mga Sektor ng ating Ekonomiya

May iba't-ibang sektor ang ating ekonomiya. Ito ay ang sektor ng Agrikultura, sektor ng Industriya, at sektor ng Paglilingkod. Ang iba't-ibang sektor na ito ay may ambag sa pag-unlad ng ating ekonomiya.


Sektor ng Agrikultura

Ang Agrikultura ay isang agham at sining na may kinalaman sa pagpaparami ng mga hayop at mga tanim o halaman. Kaugnay dito ang lahat ng gawain na sangkot ang mga hayop at halamanan. Ang bawat gawain ng sektor na ito ay may malaking naitutulong sa bawat pamumuhay ng mga tao at ng bansa.Malaki tuloy ang ginagampanan nito sa pagpapaunlad ng bansa.

























Ang sektor ng Agrikultura ay binubuo ng apat na subsectors: pagsasaka, pangangahoy, paghahayupan/pagmamanukan, at pangingisda na naglalarawan sa mga gawain ng agrikultura.

PAGSASAKA

Ang Pagsasaka ay ang sangay ng agrikultura na may kinalaman sa sining, agham, teknolohiya, at negosyo ng lumalagong mga halaman. Kabilang dito ang paglilinang ng mga panggamot para sa halaman, prutas, gulay, at iba pa.


PAGHAHAYUPAN


Ang Paghahayupan ay ang pag-aalaga o pagpapastol ng mga hayop upang makakuha ng mga produkto sa mga ito.






PANGINGISDA

Ito ay ang panghuhuli ng mga isda sa dagat. Ang mga mangingisda ay gumagamit ng lambat, sibat, bingwit, kamay, atbp.




PAGGUGUBAT

Ito ay ang agham at sining ng paglikha, pamamahala, paggamit, pag-imbak, at pag-ayos ng kagubatan at nauugnay na mapagkukunan upang matugunan ang ninanais na mga layunin, mga pangangailangan, at mga halaga para sa mga benepisyo ng tao at kapaligiran.

















MGA REPORMA SA LUPA

Sangkot dito ang pagbabago ng batas, regulasyon, o kaugalian tungkol sa pagmamay-ari ng lupa.

Ang mga Reporma sa lupa at ang mga pangulong nagpatupad nito


NARRA (National Resettlement and Rehabilitation Administrati0n) 

Ang NARRA, na itinatag ng Batas Republika Blg. 1160, ang  nangangasiwa sa pamamahagi ng lupa ng pamahalaan sa mga rebeldeng nagbalik-loob sa pamahalaan at sa mga pamilyang walang-lupa.

ACCFA (Agricultural Credit Cooperative Financing Administration)

Ang ACCFA, na itinatag ng Batas Republika Blg. 821, na nagkaloob ng mababang interes. Nagkaloob ito sa maliit na magsasaka at pinamahagian ang mga nangungupahan ng pautang na may mababang interes na anim hanggang walong porsyento.

CARP (Comprehensive Agrarian Reform Program)
Ang CARP ay isang reporma sa batas ukol sa agraryo na ang legal na batayan ay ang Republic Act No. 6657. Kilala rin ito bilang Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL). Ito ay ang muling pamimigay ng mga pribado at pampublikong lupang sakahan upang matulungan ang mga benepisyaryo makatagal bilang mga  maliit na independiyenteng mga magsasaka, na hindi inaalintana ang "tenurial" arrangement. Layunin nito ay magbigyan ang mga landowners ng pagkakapantay-pantay sa mga tuntunin ng kita at mga pagkakataon, magbigay ng kapangyarihan sa may-ari ng lupa at mga benepisyaryo na magkaroon ng isang pantay-pantay na pagmamay-ari ng lupa, mapahusay ang produksyon sa agrikultura at pagiging produktibo, magbigay ng trabaho sa mas maraming mga manggagawang-bukid, at tapusin ang mga salungatan tungkol land ownership.


Kalahi ARzone

Sa mga napiling lugar, bubuo ng isa o higit pang munisipalidad na may layunin na gawing produktibo ang agrikultura. Para din magbakas at para lubos ding mapakinabangan ang mga serbisyong sumusuporta para sa mga benepisyaryong magsasaka.

Land Reform Act of 1955

Ito ang batas na lumikha sa Land Tenure Administration (LTA). Ang LTA ang may pananagutan para sa pagkuha at pamamahagi ng mga malalaking lupa na inupahan na pinagtatamnan ng mais at palay nasa higit 200 hectares na para lamang sa mga indibidwal at 600 hectares para sa mga korporasyon.




Mga suliraning kinakaharap ng sektor ng Agrikultura

Mga suliraning kinakaharap ng sektor ng Pagsasaka


  • Kakulangan ng sapat na impraistruktura at puhunan
  • Pagdagsa ng dayuhang produkto
  • Mababang presyo ng produktong agrikultura
  • Kakulangan sa makabagong kagamitan at teknolohiya
  • Paglaganap ng sakit at peste
  • Climate change

Mga suliraning kinakaharap ng sektor ng Pangingisda


  • Mapanirang operasyon ng mga malalaking komersyal na mangingisda
  • Polusyon sa tubig
  • Malawakang pagwasak ng mga tirahan at itlugan ng maraming organismo sa dagat
  • Lumalaking populasyon sa bansa
  • Kahirapan sa hanay ng mga mangingisda
  • Oil Spill at mga lasong kemikal
  • Paggamit ng dinamita


Mga suliraning kinakaharap ng sektor ng Paggugubat


  • Deforestation
  • Pagkaubos ng mga puno bawat taon
  • Pinagkukunan ito ng mga sangkap para sa paggawa ng gamot
  • Pinagkukunan ito ng mga hilaw na materyales para sa paggawa ng bahay at mwebles, gayundin sa papel at iba pang kagamitan
  • Nagsisilbi itong tirahan ng buhay-ilang (wildlife)
  • Inaasahan ito ng mga pambansang minorya para sa kanilang ikabubuhay
  • Nagsisilbi itong lugar kung saan nagsasaliksik ang mga siyentipiko ukol sa kalikasan
  • Pumipigil ito sa pagbaha at pagguho ng lupa (mga sakuna)
  • Nagsisilbi itong proteksyon ng mamamayan laban sa malalakas na hangin bunga ng bagyo
  • Nagsisilbi itong natural na imbakan ng tubig
  • Patuloy na pagtaas ng populasyon
  • Illegal logging




Mga Solusyon sa mga suliraning kinakaharap ng sektor ng Agrikultura


Solusyon sa suliranin sa Pagsasaka

  • Tunay na pagpapatupad ng reporma sa lupa
  • Pagtatakda ng tamang presyo sa mga produktong agrikultura
  • Pagbibigay ng subsidy sa mga maliliit na magsasaka
  • Pagpapatayo ng imbakan, irigasyon, tulay, at kalsada

Solusyon sa suliranin sa Pangingisda

  • Pagtatatag ng mga batas na pangangalagaan ang yamang-tubig
  • Pagkakaroon ng disiplina sa paggamit ng yamang-tubig
  • Makiisa sa pangangalaga dito
  • Pagtatayo ng mga daungan.
  • Pagpapatupad ng Philippine Fisheries Code of 1998
  • Pagsasagawa ng fishery research

Solusyon sa suliranin sa Paggugubat

  • Higpitan ang mga patakaran laban sa ilegal na pagtotroso
  • Magtanim ng puno sa bawat pagputol na gagawin
  • Pagtatalaga ng kalihim ng DENR na totoong magtataguyod ng likas-kayang kaunlaran
  • Dagdagan ang pondo para mas mahigpit na mabantayan ang kagubatan
  • Palaganapin sa pamamagitan ng media at edukasyon ang kahalagahan ng gubat sa pagtiyak ng ecological balance
  • Matuto sa karanasan at tradisyon ng mga pambansang minorya o katutubo sa pangangalaga sa kalikasan


Mensahe mula sa May-akda:

Ginawa ko ang blog na ito para bigyan ng kaalaman ang mga kabataang tulad ko tungkol sa kalagayan ng ekonomiya sa ating bansa. Inilahad ko sa aking blog ang mga suliranin sa sektor ng agrikultura para bigyan ng kamalayan ang mga tao tungkol dito. Inilahad ko rin ang mga solusyon sa mga suliranin sa agrikultura upang makapag-isip sila ng aksyon, at makatulong na rin sa adbokasiya na aking ipinaglalaban. Inilagay ko rin ang mga reporma sa lupa para malaman ng mga tao na gumagawa rin ang gobyerno ng paraan para maging pantay-pantay ang karapatan ng mga mamamayan at para din mapaunlad ang aspetong agrikultural sa ating bansa. Nilagay ko rin ang iba't-ibang sektor ng Ekonomiya dahil mahalaga na alam nila ang nag-aambag sa pag-unlad ng ating bansa.


Kung tayo'y magkakaisa ay makakamit natin ang inaasam natin na pag-unlad. Ngunit, kung tayo'y hindi magsasama-sama sa paggawa ng pagbabago sa ating bansa, sabay-sabay din tayong babagsak.


SANGGUNIAN:

  • https://prezi.com/z3lwxpnkmmi3/gloria-m-arroyo/
  • www.dar.gov.ph/about-us/agrarian-reform-history
  • en.wikipedia.org
  • http://depedkto12.blogspot.com/2016/01/suliranin-sa-sektor-ng-agrikultura.html
  • https://prezi.com/9n-rpzoqdpt3/mga-suliranin-at-solusyon-sa-sektor-ng-pangingisda/
  • https://prezi.com/tgcj9qzigtvp/pangisdaan-at-paggugubat-by-juliean-martinez/
  • en.wikipedia.org
  • google.com.ph/imghp

3 komento: