Mga Sektor ng ating Ekonomiya
May iba't-ibang sektor ang ating ekonomiya. Ito ay ang sektor ng Agrikultura, sektor ng Industriya, at sektor ng Paglilingkod. Ang iba't-ibang sektor na ito ay may ambag sa pag-unlad ng ating ekonomiya.
Sektor ng Agrikultura
Ang Agrikultura ay isang agham at sining na may kinalaman sa pagpaparami ng mga hayop at mga tanim o halaman. Kaugnay dito ang lahat ng gawain na sangkot ang mga hayop at halamanan. Ang bawat gawain ng sektor na ito ay may malaking naitutulong sa bawat pamumuhay ng mga tao at ng bansa.Malaki tuloy ang ginagampanan nito sa pagpapaunlad ng bansa.
Ang sektor ng Agrikultura ay binubuo ng apat na subsectors: pagsasaka, pangangahoy, paghahayupan/pagmamanukan, at pangingisda na naglalarawan sa mga gawain ng agrikultura.
PAGSASAKA
Ang Pagsasaka ay ang sangay ng agrikultura na may kinalaman sa sining, agham, teknolohiya, at negosyo ng lumalagong mga halaman. Kabilang dito ang paglilinang ng mga panggamot para sa halaman, prutas, gulay, at iba pa.
PAGHAHAYUPAN
Ang Paghahayupan ay ang pag-aalaga o pagpapastol ng mga hayop upang makakuha ng mga produkto sa mga ito.
PANGINGISDA
Ito ay ang panghuhuli ng mga isda sa dagat. Ang mga mangingisda ay gumagamit ng lambat, sibat, bingwit, kamay, atbp.